BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Ang aking Mundo, tagarito kaba?

Ang aking Mundo, tagarito kaba?
"msg from earth: Sana mahalin mo ako"

Biyernes, Oktubre 19, 2012

Halimbawang Silabus



Republika ng Pilipinas
Central Luzon State University
Science City of Muńoz Nueva Ecija
_________________________________________________________________________________________________
SILABUS SA FILIPINO I
(MGA TEKSTONG LITERARING REHYUNAL)

            Pangunahing Kailangan:  Wala
            Bilang ng Yunit :  1.5
            Laang Oras Pangklasrum: 45 minuto
            Mga Kahingian:
·         Pakikilahok sa talakayan sa klase
·         Maikling pagsusulit
·         Pagsulat ng Komposisyon
·         Markahang Pagsusulit
·         Resitasyon
·         Atendans

Batayan ng Pagmamarka:
      Narito ang gabay sa pagmamarka sa Filipino bilang isang sabjek at larangan ng pagkatuto.

Markahang Pagsusulit ---------------------------------------30%
Interaksyong Pangklase--------------------------------------25%
Maikling Pagsusulit / Resitasyon----------------------------20%
Pagsulat ng Komposisyon-------------------------------------25%
                                                                                          ----------------
                                                                                              100%
Iskor na dapat makuha:  60%





Deskripsyon ng Kurso
           
Ang Filipino  I (Mga Tekstong Literaring Rehyunal ay kursong mayroong dalawang mahahalagang layunin  (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literaring mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang makrong kasanayan -pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng ibat ibangdulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng ibat ibang tekstong literari(rehiyunal,pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa Tulong ng Ibat ibang Teksto (PGRT).Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa pag-aaral at pagsusuri ng ibat ibang tekstong literari.
 Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang ibat ibang teorya sa pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuri.

            Layunin ng Kurso

            Sa pagtatapos ng Unang Taon , ang mag-aaral ay dapat na:
·         magtaglay ng sapat na kasanayan at kaalamang magagamit nang wasto ang mga angkop na istrukturang gramatikal sa isang iskolarling pakikipagtalastasan sa tulong ng mapanuring pagbasa ng iba’t-ibang uri ng teksto.

·         naipamamalas ng mag-aaralsa una(sariling wika sa rehiyon) at pangalawang wika(Filipino)ang kakayahang komunikatibo

·          mayroong kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal upang maipagmalakiang sariling kultura, gayundinang ibat ibang kulturang panrehiyon.

Balangkas ng Kurso

Unang Markahan
A.   Panitikan
·         Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
·         Mga Elemento ng Pabula
Tauhan
Mga Uri ng Tauhan
            Bilog
            Lapad
Tagpuan
Banghay
Mahalagang Kaisipan

B.   Gramatika at Retorika



Ikalawang Markahan
A.         Panitikan

·         Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

·         Mga Elemento ng Alamat

a.    Banghay
b.    Tagpuan
c.    Tauhan

B.   Gramatika at Retorika

Ikatlong Markahan
A.   Panitikan
·         Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
·         Mga Elemento ng Epiko Bilang Tulang Pasalaysay
v  Uri ng taludturan
v  Sukat
v  Tugma
v  Aliw-iw
v  Matatalinhagang pahayag
·         Mga Elemto ng Epiko
o   Tauhan
o   Tagpuan
o   Banghay
o   Tunggalian
§  Tao vs. Tao
§  Tao vs. Kalikasan
§  Tao vs. Sarili
§  Tao vs. Lipunan
Ika-apat na Markahan
·         Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
·         Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
·         Mga Saknong Bilang 1-717
·         Mga Elemento ng Ibong Adarna bilang tulang Paslaysay
o   Saknong
o   Taludtod
o   Tugma
o   Sukat
o   Indayog
o   Mga tayutay

Nilalaman ng Kurso
           
Paksa
Layunin
Estratehiya sa Pagtuturo
Laang Oras Pang-klasrum
Panlinang na Gawain
Sanggunian
Unang Markahan





Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula


Ang mag-aaral ay:
 nakasusulat ng sariling pabula na naglalarawan ng kultura ng sariling lugar o rehiyon nang may angkop na gramatika at retorika.
Ang mag-aaral ay nakapagsasalaysay ng wasto ukol sa mga kaalamang nakalap sa kasaysayan ng pabula.
Pagsasaliksikin ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon ukol sa pabula at tatalakayin ito sa klase.
Magsasagawa ng panggrupong resitasyon upang higit na sumigla ang pagtalakay.
45 minuto
Pagsasagawain ang mga mag-aaral ng isang panayam na lalapatan ng mahahalagang tanong ukol sa kasaysayan ng pabula.

Mga Elemento ng Pabula
(Tauhan)

v  Bilog
v  Lapad

Ang mag-aaral ay:
·         Nakapaglalahad ng sariling kuro-kuro tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang tauhan sa pabula.
·         Nakapaglalarawan ng mga katangian at damdamin ng mga tauhan sa pabulang binasa.
·         Nakgagamit ng iba’t-ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa masining na pagkukwento.
Magpapanood ang guro ng isang pelikulang puro hayop ang gumaganap ( pabula). Mula sa pelikula ay hahahnguin ang ga tauhan at tatalakayin kung anong uring tauhan ang mga iyon.
45 minuto
 Hahatiin sa tatlong pangkat  ang klase. Bibigyan ang limang minuto ang mga mag-aaral upang magtanghal ng anumang pabula na alam nila kung saan pipili sila ng mga tauhang bilog o kaya ay lapad na siya nilang gaganapan. Itatanghal nila ang kani-kanilang palabas sa loob ng tatlong minuto.

Tagpuan
Ang mag-aaral ay:
·         nakapagbibigay ng puna tungkol sa mga iginuhit na lugar ng mga mag-aaral.
·         Nakapaglalahad ng sariling kuro-kuro ukol sa mga lugar na ginagamit bilang tagpuan ng mga pabula.
·         Nakasusulat ng isang masining na paglalarawan ukol sa gagamiting tagpuan para sa sariling pabula.


Pipili ng mga mag-aaral na may angking galling sa pagguhit a paguguhitin sila sa pisara habang inilalarawan ng guro ang isang particular na lugar. Ang lugar na inilalarawan ay ang lugar na ginamit na tagpuan ng awtor sa ipababasang pabula. Tatalakayin ang mga katangian ng tagpuan matapos ang pagbasa.
45 minuto
Pasusulatin ang mga mag-aaral ng dalawang talata na maglalarawan sa isang lugar na siyang magiging tagpuan sakaling sila ay maatasang sumulat ng isang pabula.

Banghay
Ang mag-aaral ay:
·         Naisasaayos ang mga pangyayari sa pabula ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
·         Nakpagbibigay ng reaksyon sa pagbabalangkas ng banghay ng isang pabula.

Ang guro ay gagamit ng stratehiyang group mapping activiti kung saan magdidikit siya sa pisara ng mga larawan na tutukuyin at bibigyang kahulugan ng mga mag-aaral. Magpapabasa sa grupo ng mga mag-aaral ng pabula at batay sa binasa ay pagsusunod-sunurin ang magkaka-ugnay na larawan.
45 minuto
Gamit ang pagpapangkat na naunan ng isinagawa, bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gumawa isang sanaysay ukol sa kahalagahan ng banghay sa isang pabula.

Mahalagang Kaisipan
Ang mag-aaral ay:
·         nakapagbibigay ng reaksyon o paliwanag sa mga pahayag na may kaugnayan sa mensahe ng pabula.
·         Nakapaglalahad ng sariling kuro-kuro tungkol sa mga aral o mahahalagang kaisipan mula sa pabula.
·         Nakasusulat ng liham pagpapayo.
·         Nakgagamit ng iba’-ibat ekspresyon sa pagbibigay payo o pagmumungkahi.

Aatasan ang mga mag-aaral na basahin ng tahimik ang pabulang ang mag-anak na langgam. Sa pabulang iyon itatala ng bawat mag-aaral ang lahat ng mahahalagang kaisipan na kanilang nakuha. Isa-isang tatawagin ng guro ang mga bata. Tatalakayin ng guro  ang mahahalagang punto ng mga mag-aaral.
45 minuto
Pasususlatin ang mga mag-aaral ng isang liham na nagpapayo sa kanilang mga mahal sa buhay gamit ang mga mahahalagang kaisipan sa pabula na unang tinalakay.
Tatawag ng isa hanggang dalawang mag-aaral na masining na magsasalaysay ng pabulang ang mag-anak na langgam. .

Ikalawang Markahan





Kaligirang Pangkasysayan ng Alamat
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapagbibigay ng sariling pananaw kung paano lumaganap ang alamat sa Pilipinas.
·         Nakapaglalahad ng mga dahilan sa kahalagahan ng pag-aaral ng alamat.
·         Nakapagpapasya kung dapat itur ang alamat sa mga paaralan ngayon.

Pagsasaliksikin ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon ukol kasaysayan ng paglago ng alamat sa Pilipinas at tatalakayin ito sa klase.
Magsasagawa ng panggrupong resitasyon upang higit na sumigla ang pagtalakay.

Pabubuuin ng pangkat ang mag-aaral na bubuuin ng limang tao. Sa tinalakay na kasaysayan, papipiliin sila ng isang pangyayari na isasadula sa loob ng tatlong minuto. Matapos makapagpalabas ang lahat magbibigay ng dahilan ang grupo kung bakit ang bahaging iyon ng kasaysayan ang napili nilang ipalabas.







Elemento ng Alamat (Tagpuan)
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapaglalarawan ng tagpuang ginamit sa alamat sa pamamagitan ng dugtuang pagsasalaysay.
·         Nakasusulat ng talatang naglalarawan.
·         Nakalalahok sa talakayan kaugnay ng binasa/napanood o napakinggang alamat.
Magpaparinig sa mga mag-aaral ng isang alamat. Ipatatala sa mga bata ang mga katangian ng tagpuang ginamit sa alamat. Matapos itong pakinggan ay magsasagawa ang guro ng talakayan gamit an gang mga halimbawang katangian na mula sa mga mag-aaral.
45 minuto
Bibigyan ang mga mag-aaral ng sampung inuto upang gumuhit ng isang tagpuan ng sarili nilang alamat na mayroong pamagat na ayon sa tagpuan. Gagawin itong kumpetisyon upang lalong maging masining ang presentasyon ng mga estudyante.

Tauhan
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapagpapahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa opinion ng iba hinggil sa sinapit ng tauhan sa alamat.
·         Napaghahambing ang mga tauhan ( pangunahing tauhan, pantulong na tauhan at ibp. )
·         Nakpagbabago ng mga pangyayari ng napiling alamat upang maging maganda ang kahinatnan ng tauhan sa alamat.
Magsasagawa ng tuluyang pagbasa ang guro sa alamat ng Mindanao. Aatasan ang mga mag-aaral na pumili ng kanilang panig sa sasapitin ng mga tauhan kung ito ba ay makatarungan o hindi. Tatalakayin ng guro ang ukol sa mga tauhan at uri nito(pangunahin o pantulong). Ang mga tauhan na ay tutukuyin kung kabilang sa pangunahin o sa pantulong.
45 minuto
Pagsasamahin ang mga sang-ayon at ang mga hindi sa sinapit ng tauhan at saka mag-oorganisa ng debate ang guro. Sa husay ng mga katwiran at paliwanag ibabatay ng guro ang pagmamarka. Sa huli nit ay ipababago sa mga hindi sang-ayon ang sinapit ng mga tauhan at saka sila hihingan ng paliwanag ukol rito.

Ikatlong Markahan





Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Ang mag-aaral ay:
·         nakapag-uulat sa masining na paraan ng mga nakalap na impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko.
·         Nakapagsasagawa ng sarbey sa loob ng paaralan ukol sa kahalagan ng pag-aaral ng epiko.
·         Nakapagbibigay kahulugan sa nagging resulta ng sabey na isinagawa.

Pagsasaliksikin ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon ukol kasaysayan ng paglago ng alamat sa Pilipinas at tatalakayin ito sa klase.
Magsasagawa ng panggrupong pag-uulat sa mga nasaliksik na impormasyon upang higit na sumigla ang pagtalakay.
45 minuto
Pagsasagawain ng sarbey ang mga estudyante tungkol sa pananaw ng iba pang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral ng epiko. Iuulat nila sa muling pagkikita ang resulta ng sarbey at bibigyang katuturan ito.

Tagpuan ng Epiko
Ang mag-aaral ay:
·         nakapaglalahad ng kahalagahan ng tagpuan sa mga pangyayari sa epiko.
·         Nakapaghahambing ng mga lugar sa kasalukuyan na katulad o kahawig ng tagpuan sa alinmang nabasang epiko.
·         Nakapaglalahad ng mga katangian ng mga lugar sa kasalukuyan na maaring gawing tagpuan ng isang epiko.

Ipapabasa ng masining at tuluyan ang bahagi ng epiko na naglalarawan ng tagpuan ng epikong iyon. Matapos ang talakayan paguguhutin ang mga mag-aaral ng lugar na sa tingin nila ay kahawig ng tagpuan sa epiko at ibibigay nila ang mga katangian nito kung bakit nila nasabing ito ay magkatulad.
45 minuto
Buuo ng isang mapa ng tagpuan ang mag-aaral at ipepresente nila ito sa klase.

Tauhan ng Epiko
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapaghahambing at nakapagtutlad ng mga tauhan sa isang epiko.
·         Nakapagsasalaysay ng isang bahagi ng epiko na nagpakita ng pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan.
·         Nakasusulat ng mga katangian ng tauhan na ibig pamarisan at kapakinabangan matatamo rito.
Tatalakayin ng guro sa mga mag-aaral ang mga tauhan sa epiko at susubuking ipasalaysay sa mag-aaral ang piling bahagi nito na mayroong tunggalian.
45 minuto
Ang mga mag-aaral ay pasususlatin ng isang mabungang sanaysay na maglalaman n mga katangian ng kanilang idolong tauhan sa naturang epiko ng Bisaya.

Banghay ng Epiko
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapagbabalangkas ng banghay ng epekong binasa na gagamitin ang patalatang uri ng balangakas.
·         Napag-uugnayan ang mahahalagang pangyayari sa epiko na gagamitan ng masining na pagkukwento(tatawag ang guro ng piling mag-aaral para rito).
·         Nagiging bahagi ng pagpapahalaga ng epikong binasa (Prinsipe ng Bantugan).

Ang epiko ng Prinsipe ng Bantugan ay tatalakayin ng guro sa pamamagitan ng mga larawang magkaka-ugnay. Ito ang syang gagamitin habang binibigyan ng mga mag-aaral ng persepsyon ang mga larawan base sa kung alin ang dapat mauna, sumunod o mahuli.

Masining na ipakukwento sa piling mga mag-aaral ang buod ng naturang epiko. Ang mga hindi magpapalabas ay syang mag-eebalweyt sa mga ipinakit ng kanilang mga kamag-aral.
Pipili ang guro ng syang pinakmahusay na kwentista at pinakmagaling na ebalweytor.

Ikaapat na  Markahan





Kaligirang Pangkasaysa-yan ng Ibong Adarna
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapagbabahagi ng ideya ukol sa kahalagahan ng pag-aaral Ibong Adarna.
·         Nakapag-uulat ng nasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna sa masining na paraan.
·         Masigasig na nakakalahok ang mga mag-aaral sa malayang talakayan.
Pagsasaliksikin ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon ukol kasaysayan ng pagkakasulat ng Ibong Adarna at mga tala ukol sa may –akda nito.
Magsasagawa ng panggrupong pag-uulat sa mga nasaliksik na impormasyon upang higit na sumigla ang pagtalakay.
45 minuto
Pasusulatin ng tulang may tatlo hanggang apat na saknong ang mga mag-aaral ukol sa kasaysayan at kahalagan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
Ipababasa sa mga mag-aaral ang akda nila sa harapan at magbibigay ang guro ng mga suhestiyon upang lalo pang malinang ang mga ideya ng estudyante.

Mahahalagang  Tauhan sa Ibong Adrna
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapagpapakilala at nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng mga tauhan sa Ibong Adarna.
·         Nakapgsasaliksik ng mga impormasyon tungkol sa mga tauhan ng Ibong Adrna.
·         Nakabubuo ng sintesis sa aralin.
Sa takdang aralin ng mga mag-aaral ay ibibgay na nila ang hanay ng mga tauhan sa Ibong Adarana. Sa klase ay tatalakayin na ng guro ang mga gampanin at katangian ng mga tahuhan sa Ibong Adarna.
45 minuto
Papipiliin ang mga mag-aaral kung sino ang ibig nilang maging sa mga tauhan. At pabibigkasin sila ng tigtatalong pangungusap na sinabi ng tauhang kanilang napili.
Sa gawaing ito mahalaga ang paggabay ng guro sa mga katangian na ipaliliwanag ng kanyang mga estudyante.

Si haring  Fernando at ang Tatlong Prinsipe
Ang mag-aaral ay:
·         Nakabubuo ng simbolo na makapaglalarawan sa sarili bilang isang mabuting anak.
·         Nakapgsasagawa ng panayam ukol sa paksang ang karunungan ay yaman.
·         Nakpagbabahagi ng opinion sa salawikaing kaugnay ng aralin.
·         Nakasususlat ng isang liham pasasalamat para sa mga magulang.
Tatalakayin ng guro ang aralin sa pamamagitan ng paghingi sa mga mag-aral ng mga katangian ng mga anak ng Haring Fernanado. Pagyayamanin nila ang mga ideyang iyon nula sa saknong na blng, 1-27 na kanilang binabasa bilang takdang aralin.
45 minuto
Paguguhitin ang mga mag-aaral ng isang simbolo na magpapakilala sa kanilang mga katangian bilang anak at saka nila ito ipapaliwanag sa klase.


Ang Awit ng Ibong Adarna
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapagsasadula ng mahahalagang tagpo batay sa narinig na pagtalakay ng guro.
·         Nagagawang mabuod ang aralin.
·         Naiaawit sa wika ng mga kabataan sa kasalukuyan ang ilang bahagi ng Ibong Darna.

Ang mga mag-aaral ay pagsasalaysayin nguro ng tuluyan upang bahagyang maging interisante pa ang paglalahad ng mga susunod na tagpo sa Ibong Adrna.
45 minuto
Batay sa buod na ginawa sa klase magtatanghal ang mga estudyante ng mga pangyayari sa Awit ng Ibong Adarna. Ang mga pangyayari na kanilang itatanghal ay kanilang awitin ngunit nakalapat ang tono sa mga makabagong awitri na patok sa kasalukuyan.


Ang Mahiwagang Balon
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapag-uugnay sa buhay o gawain ng isang tao ang paksa ng aralin.
·         Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagtatapos ng isang gawain.
·         Nagagamit sa pangungusap ng mga malalalim napiling salita sa aralin.
·         Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa paksa ng aralin.

Kukuha ng isang malaking larawan ng isang malaking balo ang guro. Hihingan ng karanasan ang mga mag-aaral na nakakita na nito. Mula sa mga iyon ay tatalakayin ng guro ang mga pangyayari sa mahiwah\gang balon sa pamamagitan ng estratihiyang Uganayang –Tanong Sagot.
45 minuto
Sa loob ng sampung minuto pasusulatin ang mga mag-aaral ng isang sanaysay na pinamagatang mahiwagang Balon ngunit bibigyan nila ito ng ibang interpretasyon.
Ang mga salitang kanilang gagamitin ay lilimitahan lamang sa mga salitang nasa loob ng mga saknong ng Mahiwagang Balong sa Ibong Adarna.

Ang Habilin sa Mahiwagang Lobo.
Ang mag-aaral ay:
·         Nakapaglalahad ng mga impormasyon at karanasang nakuha sa pakikipanayam .
·         Nakapagbibigay kahulugan sa ilang salitang ginamit sa aralin
·         Nakapgpapahayag kung paano naipakikita ang pagtanaw ng utang na loob sa isang tao.

Iptatanghal sa mga mag-aaral ang senaryo kung san ibinigay ang mga habilin sa Lobo. Sa apat na grupong matatanghal, ipaliliwanag nila ang kanilang pananaw sa mga pangyayaring iyon.
45 minuto
Pagsasagawain ng panayam ang mga mag-aaral ukol sa konsepto ng utang na loob. Ang bawat mag-aaral ay kailangang makapanayam ng dalawang tao. Ilalahad sa klase kinabukasan ang mga natuklasan sa isinagawang panayam.

Ang Paglalakbay ni Don Juan
Ang Mag-aaral ay:
·         Nakabubuo ng slogan tungkol sa bukas-palad na pagtulong sa kapwa.
·         Nakapagpapahayag ng sariling paniniwala o opinion mula sa piling saknong ng aralin.
·         Nakapaghahayag ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salitang inilahad.





















0 (mga) komento: